***
Taiga never imagined he’d be in the esports industry. Sure, he had been into playing video games growing up. But he never thought that he’d make a career out of it. Hindi man siya lumalaban professionally, but he’s part of an esports team. Damn, his younger self would definitely not believe where he is right now. Sana nga lang proud din ito sa kanya kahit manager siya, at hindi katulad ng mga players niya na nasa gitna ngayon ng laban that would make or break their journey for this season. Out of 8 competing teams, anim lang ang makakapasok sa playoffs. At nakiki-agaw ang SixTONES ngayon sa ika-anim na spot.
“Oh man, SixTONES only has one inhibitor turret left, with two of them down. HSJ still alive–”
“Ah! Look where the TetsuTatsu duo heading! Binabackdoor na nila ang base ng kalaban. Makakahabol pa–Ahhhh!”
“Makoto and Yuki now alive, trying to defend their base as the TetsuTatsu duo–Ahhhhhhh! That was an incredible outplay coming from Leo. Tetsuya popped his immortality. Tatsuya had to back away. Wait, Ahhhh!”
Lahat sila ngayon sa backstage ay kabado. ‘Yung team manager niya, nakakapit na sa sixth man ng team. Hindi nga lang niya alam kung talagang hindi nito ma-contain ang kaba tulad niya, o baka tsumatsansing lang ang gaga. ‘Yung iba pang parte ng org nila, hawak-hawak pa ang mga kamay habang nanonood, wala ni isang kumukurap. Same as the ones playing, they can’t afford to miss a thing or the game would flip against them.
So siya, saan siya nakakapit? Must be nice to share this moment with someone too–alright, stop. This isn’t really the right time to be miserable. Mas magiging miserable siya kapag hindi sila nakapasok sa playoffs. How would he even face their CEO? He’s been with the team for four seasons now. Three seasons, laging top 6, first round exit sa playoffs. Tapos ngayon, may chance pang hindi makapag-playoffs? Puta baka mawalan siya ng trabaho.
“What is this game!? What is this game!? Grandfinals na ba?! Team SixTONES! Team SixTONES! Despite the gold lead, SixTONES was able to flip the game to their favor!”
“Pero hindi pa rin sila pwede makampante, Leo still has his ulti. Isang maling galaw lang nito. One wrong move people, and that will dictate the end for one of these two teams this season.”
“Tama, partner. We all know how Leo plays. The more na naiipit ‘yan, mas nakakapag-isip siya ng pangmalakasang gameplay.”
“Pareng Leo, pakitaan mo nga kami ng pang-million views na outplay—Oh! Wait!”
“Noguchi jumped right in! Tatlo mula sa HSJ ang nahuli. Triple kill na si Makoto!”
“Yokuyaki managed to escape, but then Tatsuya! Tatsuya!”
“Saan nanggaling si Tatsuya–Ah! Ah! Team SixTONES! Team SixTONES! Ang papasok! Sa playoffs!”
Loud cheers from the team erupted. Thank god, usal niya. Saka lang napuna ni Taiga na kanina pa pala siya nagpipigil na hininga nang bigla na lang niyang ibinagsak ang sarili sa gaming chair. Sinilip niya ang mga players sa TV, ‘yung dalawang players niya na kulang na lang ay magsuntukan tuwing scrim, sila pa ‘yung magkayakap ngayon. The rest of the team with him are shouting incoherent words. At ang unang pumasok sa isip niya, he gets to keep his job. All is well.
Although hindi pa rin naman sila nakaabot sa grand finals. Katulad na lang din ng unang pasok niya sa team, first round exit sila sa playoffs. Siya ata ang nagdala ng malas sa org. Puro na lang talo. Kailan ba siya makakatikim na panalo sa trabahong ‘to?
Minsan mapapaisip na lang si Taiga–hindi siguro siya ganito kakabado sa bawat laban kung wala siya dito. Kung, halimbawa, sinunod niya ‘yung dikta ng ibang tao at sinundan niya ang yapak ng nanay niya. Sa isa sa Big Three siguro siya ngayon nagtatrabaho. A few years from now, siguro magkakaroon na siya ng sariling bahay at sasakyan. May budget para sa travel. Baka tuwing weekend nasa kung saan para mag-destress. Maybe with some of his friends. Maybe with Shintaro and Yugo. Maybe with… him.
Duda siya na magkakakilala pa rin sila kung iba ang tinahak niyang landas. It would’ve been a whole different world from what he had. His friendship with Yugo wouldn’t happen - they’d remained as acquaintances. Hindi niya makikilala ‘yung mga taong kasabay niyang tumawa, umiyak, at mapagod sa pagpo-prod noong kolehiyo.
Different path, different outcome. In a way, mas okay ‘yon. Wala siyang nasaktan dahil sa pagiging makasarili niya, dahil hindi niya kayang maging strong para sa kanilang dalawa. Dahil sa sarili pa lang niya, marami na agad siyang pagdududa. Siya mismo ay natatakot kung ano ang pwedeng mangyari paglabas niya ng kolehiyo noon. Kung mapapatigil niya lang oras, gagawin niya ang lahat para manatili na lang itong nakahinto. Kaakibat kasi ng paggraduate niya ay ang kagustuhan niyang ipakita sa mga tao na kaya niya. That he can thrive in the path that he chose for himself. And that felt so gigantic. That responsibility was so huge, hindi mawala-wala ang takot kay Taiga.
Untill now he feels sorry. Five years since he ended things with him, he still feels sorry. Kasi hindi niya kayang pati ‘yung future ng ibang tao, nakapatong din sa kanyang kamay. He feels sorry kasi hindi niya kinayang maging supportive dito, na kumontra sa tatay nito na iba talaga ang gusto ni Hokuto. Na mas pinili niyang umalis na lang as it was easier. Because the message was so clear to him, it was basically screaming at him. Dahil sa simpleng udyok niyang ipagpatuloy ni Hokuto ‘yung pagdidisenyo, nawala ito a landas na gusto ng magulang.
Seriously, bakit hindi sila pwedeng magdesisyon para sa sarili nila ‘no? Wala na naman na siyang magagawa pa para baguhin ‘yung mga nangyari niya. All Taiga can hope for is for him to always be happy and find it in his heart to forgive him.
Maybe someday, ‘pag nagkasalubong sila – say sa Cubao, sa gitna ng agos ng mga tao hihinto silang dalawa para sa mabilisang kamustahan. Walang galit, walang bakas ng mga nangyari sa kanila. Ngingiti, babatiin ang isa’t isa, bago tutungo sa kanya-kanyang buhay para magpatuloy.
***
Ayon sa Ways to Moving On ng nakababatang kapatid ni Hokuto, kailangan mong iwasan ang mga bagay na nakakapagpaalala sa’yo tungkol sa taong gusto mo nang kalimutan. Kahit labag sa loob niya dahil mas madalas eh nasasayangan siya, hinayaan ni Hokuto na kunin ni Nana ang mga regalo sa kanya ni Taiga noong sila pa. Kahit pa nga ‘yung mga bigay nito noong magkaibigan pa lang sila ay hindi nakaligtas.
Ang sakit sa puso, lilipas lang – madalas sabihin ‘yan sa kanya ni Nana. Kailangan niya lang pagdaan para maging life lesson. Dapat pagdaan lang, huwag tambayan. Niliteral niya ata ‘yon–dahil hindi siya tumigil kakatrabaho at sumubok pa siyang magkaroon ng hobby. Umasta siyang parang krimen ang pamamahinga. Dahil sa bawat paghinto ng katawan at isip niya sa pagtatrabaho, makikita niya ang mukha ni Taiga.
Ang hirap, physically and mentally taxing. Pwede bang mag-call a friend? Para lang may magsabi sa kanya na mali ‘yung binabalak niyang puntahan at kausapin uli si Taiga. Baka pwede pa ulit. Baka pwedeng tayo na lang ulit.
Delikado.
Pero sino nga ba ang pwede niyang tawagan? Lahat ng kakilala niya, mga kaibigan sa klase, mga kasamahan sa college org, sina Yugo… lahat nakaalis na. Nagpapatuloy ng buhay, habang siya, andon pa rin. Para na siyang kanta ng The Script, The Man Who Can’t Be Moved.
Minsan nga, niloloko na lang niya ang sarili na ‘yung nangyari sa kanila ni Taiga ay dapat wala masyadong bearing sa buhay niya. Na kesyo bata pa sila, hindi pa nila alam ang totoong kahulugan ng pag-ibig. Na ‘yung sakit na naramdaman niya noong tinapos ni Taiga ‘yung relasyon nila, walang laban sa mga pagsubok na haharapin niya sa buhay.
Matapos ang ilang linggong paglilinis in between their busy schedules, Taiga-free na ang kwarto at bahay nila. Pero paano nga ba niya mapapatanggal ‘yung LRT Line 2? Araw-araw pa naman siyang sumasakay ng tren papunta sa Divisoria.
Si Mang Ben, ang nagtitinda ng adobong mani sa pilahan ng jeep sa labas ng istasyon na nakilala na siya? Hindi niya ata kayang hindi batiin ang matanda sa tuwing masaya siya nitong kinakawayan kapag nagkikita sila.
Paano niya iiwasan ang tindahan nila, gayong si Taiga ang tanging taong nagpush sa kanya sa pagdidisenyo ng mga gown?
But he lives, he has to. Kasi wala naman siyang ibang choice. Hindi naman pupwede na magpapalamon na lang siya sa lungkot. Kahit sigurado naman siya na maaaring pag-usapan ‘yung problema nila, hindi naman ‘yon ganon kadali lang lalo na kung hindi naman willing ‘yung kabilang panig. Saka ano bang mapapala niya sa pag-iisip ng mga what ifs eh nangyari na,nakakallipas na. Baka nga hindi tulad niya, naka-move on na si Taiga. Baka nga may iba na itong kasintahan. Baka siya lang ‘yung miserable kapag naalala ‘yung meron sila noon.
“Kami na,” bungad ni Jesse pagkabukas niya ng pinto. Halos mapunit na ang labi nito sa lapad ng nakakahawa nitong ngiti. “Kami na!”
Ilang buwan na ang nakalipas ng bigla inanunsyo ng kababata niya na nahanap na daw nito ang taong para dito. Napakabastos, kitang hirap na hirap na nga siyang makaahon tapos kukwentuhan pa siya ng ganon?
But jokes aside, masaya siya para dito - kahit na ba kapangalan pa ng isang character sa nakaraan niya ‘yung gusto ng kaibigan. Hindi na talaga siya pinatahimik. Haaay.
After one heck of a busy day at their store, inabala ni Hokuto ang sarili sa pag-scroll sa kanyang feed sa Instagram. Nakakaumay kasi talaga makipag-usap sa maraming tao at gusto na lang niyang makakita ng aso’t pusa or kahit anong cute animals sa feed niya.
Okay na eh – natatawa na siya sa pusang kumakahol, asong naka-school uniform, pati ibong nakiki-hum sa kanta ng One Piece. Okay na sana sa kinse minutos niyang pagtambay sa IG hanggang siya dumaan sa feed niya ang post ni Jesse, na may caption na sasabak ata sa essay writing competition.
TL;DR - hard launch ng bago niyang boyfriend. Pero hindi ‘yung haba ng post ni ig caption ni Jesse ang nakakuha ng atensyon niya. Hindi rin ‘yung panget na pagkaka-edit sa collage na ginawa ng kaibigan. It was the person hugging Jesse.
Tila lumiit ulit ang mundong ginagalawan niya ngayon. Hindi na ata talaga siya makakaahon pa kahit kailan.